Bakit marami na ang natatakot magmahal?
Sabi nila, Horor movies na lang daw ang nakakatakot! Pero matanong ko lang, nagmahal kana ba? Bakit nga ba marami rin ang natatatakot magmahal o pumasok sa isang relasyon? Yung feeling na magiging “In a Relationship” na yung status natin? Masarap namang magmahal diba? Yung feeling na may concern at nag-aalaga sayo. Pero bakit natatakot pa rin tayo? Narito ang ilang mga pangunahing dahilan kung bakit:
- “Takot masaktan.”
Ito na siguro yung pinakacommon na dahilan ng isang tao. Takot silang masaktan kase ayaw nilang maranasan yung sakit na nakikita nila sa iba. Yung tipong parang pinagsakluban ng langit at lupa yung itsura nila. At yung pakiramdam na kulang na lang magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nila.
- “Hindi pa nakamove-on.”
Kadalasan kaya natatakot ng magmahal ang isang tao kase hindi pa sila tuluyang nakakamove-on sa nakaraan. Yung feeling na gusto pa rin nilang balik balikan ang masasayang pangyayari sa kanila o kaya naman hindi pa nila nakakalimutan ang masakit na nangyari sa buhay nila.
- “Study First!”
Ang Study First ay pinakacommon na dahilan ng mga estudyante. Sila yung mga taong gusto munang tuparin yung mga pangarap nila. Kaya ayaw pa nilang pumasok sa isang relasyon kase iniisip nila na baka makaapekto lang ito sa kanilang pag-aaral.
- “Hindi pa handa.”
Sila yung mga taong hindi pa nakakaexperience pumasok sa isang relasyon, yung pinapriority muna nilang magkaroon ng maayos na buhay, magkararoon ng permanenteng trabaho at okay na yung pamilya nila, o kaya naman hindi pa sila handang umibig ulit. Dahil minsan na silang nasaktan at naloko, kaya ayaw na ulit nila itong maulit.
- “Strict ang parents.”
Mahirap talaga kung istrikto ang magulang mo. Yung feeling na kailangan mo munang ipagpaalam sa kanila ang mga bagay na gugustuhin mo. Yung pinagbabawalan ka nilang magkaroon boyfriend o kaya girlfriend kase ang gusto nila, makatapos at makapagtrabaho ka muna. Yung ikukulong ka sa bahay niyo kapag weekends. At kung weekdays naman, school-bahay lang ang pwede mong puntahan.
6. ”Hindi sigurado sa taong mahal niya.”
Sabagay, mahirap naman talagang magmahal kung hindi ka pa sigurado sa mamahalin mo. Kase merong mga posibilidad na “paano kung iwan niya ako?” o kaya naman “paano kung makahanap siya ng mas better kesa sakin?” Pero sa bandang huli, sila yung hindi nagiging masaya, kase kahit kelan hindi naman talaga sila naging sigurado sa nararamdaman nila.
7. ”May hinihintay!”
Ito yung mga taong nagmahal noon at napangakuan na “maghihintay”. Yun bang may inaasahan sila na taong magmamahal sa kanila balang araw. Eh ano kayang nakakatakot dito? Meron kasing sitwasyon na sa kakahintay nila, maraming taong umaaligid at nagugustuhan nila, pero natatakot na silang magmahal kase nakakadena na sila sa pangakong binitawan nila noon.
8. ”Naghihintay ng Tamang Panahon.”
Hindi lang naman tamang panahon, kundi tamang rason, tamang tao at tamang oras. Ito yung mga taong isusugal at ibibigay ang lahat para sa mahal nila. Nakakatakot man pero alam at sigurado na sila sa nararamdaman nila. Kumbaga kahit anong mangyari, nandyan pa rin sila palagi sa tabi mo, hawak ang kamay mo at handang iparamdam ang pagmamahal nila sayo.
9. ”Nawalan na ng Tiwala!”
Sa relasyon, importante ang may tiwala kayo sa isa’t isa. Yung tipong maiintindihan mo siya kase may tiwala ka sakanya. Pero paano kung masira ang kayang tiwala dahil sa isang pagkakamali? Maibabalik mo pa kayo ang tiwalang ito? Sa totoo lang, magkakaroon pa rin naman siya ng tiwala sayo, ngunit hindi na buo! Kase pag ang tiwala ag nasira, mahirap na itong maibalik pa!
- “Natakot na muling maloko.”
Nakakatakot naman talagang maloko eh. Yung tipong ibinigay mo na lahat sa kanya, pero anong ginawa niya? Niloko ka pa rin niya! Naghanap pa rin siya ng iba! Kaya ang pakiramdam niya, wala ng taong kayang magseryoso pa at ang alam lang niya, lahat ng tao sa mundo ay manloloko at hindi na dapat pang pagkatiwalaan.
Salamat sa pagbisita sa aming blog, at sana ay patuloy kayong sumubaybay sa mga bago at mainit init pang quotes, saying at advice. O kaya naman ay visit and like our FB page Malungkot.com.