Alam mo yung pakiramdam na hindi mo maintindihan kung bakit sa wala pa rin mauuwi ang lahat? Yung ibinigay mo na yung sobra sa dapat pero kinapos ka pa rin ng pagmamahal? Para sa’yo to.
Alam ng lahat kung gaano kita kamahal
Nakita nila ang kaya kong gawin
Mapasaya ka lang
Naramdaman nila kung gaano ako kaseryoso
Sila ang mata ng proseso
Kung paano kita sinuyo at napaibig
Kung paano ako nagpakatanga
Sa taong ang tingin lamang sa akin ay isang bata
Isang batang nagkaka-crush lang sayo
Pero hindi mo alam ang pinagdaanan ko
Para lang makausap ka at malapitan
Yung pagiging bata ko ay tinalikuran
Tumanda ako ng mabilis
Para sa’yo at sa hindi ko tinatagong feelings
Sabay tayong umiyak sa problema
Nag-usap at nakipagkita na rin sa pamilya
Kaya akala ko seryoso na
Yun pala, hanggang pakilala lang talaga
Ako yung bata pero ako yung lumaban
Binigay ko sayo lahat ng kailangan mo
Wala akong hiniling kundi ang atensyon mo
Pinagbigyan mo ako, pero hindi pinanindigan
Makalipas ang matagal ng panahon
Akala ko pareho na tayo ng nararamdaman
Akala ko lang pala ang lahat
Sabi mo mahal mo rin ako pero hindi mo ako pinanindigan
Marami ka pang pangarap kaya hindi mo ako pinaglaban
Kung tutuusin kayang-kaya naman kitang suportahan
Kahit kailan hindi ako magiging hadlang
Pero pinili mong itigil lahat
Dahil hindi sapat
Hindi sapat ang ilang taon nang tahimik na relasyon
Relasyong kahit walang pangalan aking iningatan
Hindi ako naghanap at naghangad ng higit pa
Kasi para sa akin, ako’y kuntento na
Ang kaso ako lang pala
Sa akin lang pala
Dahil pagdating sayo
Kulang pa.
Ako yung nagsimula pero ikaw ang tumapos. Ganoon naman talaga diba? Minahal kita kaya nasaktan ako, at hindi tulad mo na nakulangan, sapat na yung pagtanggi mo sa akin para hindi ka na muling paglaanan ng panahon at nararamdaman. For more blogs, visit malungkot.com! Enjoy and feel my pain 🙂 Happy reading.