Akala ko sa pelikula lang nangyayari, pero hanggang sa totoong buhay, hindi tayo pwede.

Pinagtagpo pero hindi itinadhana

Pinagtagpo pero hindi itinadhana

Siguro nga ito na ang kapalaran nating dalawa

Pero kahit ganoon, hindi ako tumigil umasa

Na sana may pag-asa pa, na hanggang sana na lang talaga

Mayaman para sa mayaman

Matalino para sa matalino

Lalaki para sa babae

Ikaw, hindi para sa akin

Lagi na lang nakatala na

Kaya nahirapan nating baguhin

Akala ko, baka sakali, maging tayo

Nagkatotoo ng saglit

Umabot tayo sa puntong masaya lang

Walang problema, walang hadlang

Hindi nagbigay ng komento ang kahit na sino

Pero ang mga yon, hanggang saglit lang

Kasi tulad ng iba, umabot tayo sa puntong hiwalayan

Dahil hindi tayo pareho ng estado

Magkaiba tayo ng pinaniniwalaan

Iba ang ating pananaw sa buhay

Hindi tayo pwedeng magsama

Dahil sa dulo, nandoon lahat ng problema

Ang sa atin, panandaliang saya lang

Hanggang karanasan lang

Hindi pwedeng pangmatagalan

Pero at least, pareho naman tayong sumaya

Sa piling isa’t isa kahit hiwalay na

Siguro nga sadyang dumaan lang tayo

Pinukaw at pinatulog muli ang mga puso

Baka hindi talaga tayo pwede

Lahat ng yan, oras lang makapagsasabi.

Kung talagang hindi man tayo sa huli, ayos lang. Naiintindihan ko. At least, kahit ikaw yung maling tao, naranasan ko ang umibig ng isang tulad mo. For more blogs, visit malungkot.com! Enjoy and feel my pain 🙂 Happy reading.