Alam mo yung pakiramdam na hindi mo maintindihan kung bakit sa wala pa rin mauuwi ang lahat? Yung ibinigay mo na yung sobra sa dapat pero kinapos ka pa rin ng pagmamahal? Para sa’yo to.

Paano ba maging sapat?

Alam ng lahat kung gaano kita kamahal

Nakita nila ang kaya kong gawin

Mapasaya ka lang

Naramdaman nila kung gaano ako kaseryoso

Sila ang mata ng proseso

Kung paano kita sinuyo at napaibig

Kung paano ako nagpakatanga

Sa taong ang tingin lamang sa akin ay isang bata

Isang batang nagkaka-crush lang sayo

Pero hindi mo alam ang pinagdaanan ko

Para lang makausap ka at malapitan

Yung pagiging bata ko ay tinalikuran

Tumanda ako ng mabilis

Para sa’yo at sa hindi ko tinatagong feelings

Sabay tayong umiyak sa problema

Nag-usap at nakipagkita na rin sa pamilya

Kaya akala ko seryoso na

Yun pala, hanggang pakilala lang talaga

Ako yung bata pero ako yung lumaban

Binigay ko sayo lahat ng kailangan mo

Wala akong hiniling kundi ang atensyon mo

Pinagbigyan mo ako, pero hindi pinanindigan

Makalipas ang matagal ng panahon

Akala ko pareho na tayo ng nararamdaman

Akala ko lang pala ang lahat

Sabi mo mahal mo rin ako pero hindi mo ako pinanindigan

Marami ka pang pangarap kaya hindi mo ako pinaglaban

Kung tutuusin kayang-kaya naman kitang suportahan

Kahit kailan hindi ako magiging hadlang

Pero pinili mong itigil lahat

Dahil hindi sapat

Hindi sapat ang ilang taon nang tahimik na relasyon

Relasyong kahit walang pangalan aking iningatan

Hindi ako naghanap at naghangad ng higit pa

Kasi para sa akin, ako’y kuntento na

Ang kaso ako lang pala

Sa akin lang pala

Dahil pagdating sayo

Kulang pa.

Ako yung nagsimula pero ikaw ang tumapos. Ganoon naman talaga diba? Minahal kita kaya nasaktan ako, at hindi tulad mo na nakulangan, sapat na yung pagtanggi mo sa akin para hindi ka na muling paglaanan ng panahon at nararamdaman. For more blogs, visit malungkot.com! Enjoy and feel my pain 🙂 Happy reading.