Para sa mga may malalabong relasyon.

@Kaya pa ba

 

O tama na

Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang ipaglaban 

O kusa na lang kitang bibitawan

Para hindi ako yung naiiwan 

Sa sitwasyong walang patutunguhan

Ayoko na kase masaktan

Kung ikaw lang ang magiging dahilan

Ng paulit-ulit kung susolosyunan

Sa araw-araw natin pagsasaluhan

Ipagpapatuloy pa ba natin ang nasimulan?

 

Pagdududa mo na palaging ibinibida

Sa araw-araw nalang palaging may kumokontra

Kasiyahan lang naman natin ang aking inuuna

Unti-untiin ko pa ba para makita mo yung halaga

Nahihirapan na ako huminga sa pagitan natin dalawa

Ang sakit-sakit na hindi mo ba nakikita

Desisyon kong palagi mong kinokontra

Nakakasakal na ng sobra-sobra

Ayoko na sana kaso mahal pa kita