Malaya ka na
“Mas mabuting hayaan mo
muna siyang gawin ang
lahat ng gusto niya, kase
dun mo malalaman kung
kailangan ka parin ba niya
o mas masaya na kahit wala ka “
Ang pahina nating binuksan nagkaroon ng liwanag sa simula hanggang magkaroon ng maraming kwento sa buhay nating dalawa, kasabay ng pagsikat ng araw sa umaga daming istorya hanggang sa gitna ng ating kwento wala pa ding pagkakaiba, maaring ito na ata ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa.
Marami tayong nasasambit, lalo na pagmasaya at walang problema.Pero lumakas ang ihip ng hangin at biglang nagiba ang mga nangyayari, ikaw ay biglang nanlamig masaya ka sa mga ginagawa mo kahit Wala ako sa kwento, binubuo ang buong istorya sa isang pahinang ginagawa mo.
Binigyan Kita ng distansya baka kailangan mo Kasi muna, nagpaiisa at hindi ako makasama.Bakit ko pa nga ba ginagawa to, sa tingin ko wala din namang magbabago. tila ikaw nga ay nagbago o kaya humanap na ng bago.
Hindi ko iniisip, hindi ko lang kinakaya mga nangyayari sating dalawa siguro nga wala ng pag asa. Ang pag pag Sara ng ating pahinga ay kasabay ng pag lubog ng araw sa madilim na kalangitan kung saan paràng walang pinagsamahan, minahal ka Naman pero bakit Naman ganyan. Iniisip na kaya mo kong iwan na lang.