Sa mundong puno ng pag-ibig, minsan ang pinakamasakit ay ang pag-ibig na hindi kayang ibalik. May mga sandaling ang pinakamasakit ay ang pag-ibig na hindi kayang ibalik. May mga pagkakataon sa ating buhay na nagbigay tayo ng buong puso, nag-invest ng damdamin at iniukit ang mga pangako sa mga bituin. Ngunit, sa mga paglipas ng panahon, minsan, natutunan nating tanggapin ang totoong realidad ang hindi lahat ng pag-ibig ay nagtatagal. Nakakalungkot isipin na may mga pag-ibig na nagtatapos, hindi dahil sa walang pagmamahal, kundi dahil sa mga pagbabago sa buhay na hindi natin kontrolado. Maaaring may mga pangakong nasaktan, mga pangarap na nabasag at mga kwento ng pag-ibig na natapos sa hindi inaasahan. Ngunit sa gitna ng sakit, naroroon din ang pag-asa. Ang pag-ibig na hindi kayang ibalik ay nagbubukas ng mga pintuang pampalakasan, nagdadala ng bagong pag-asa at oportunidad para sa paglago. Sa pagtatapos ng isang kabanata, nagbubukas ng pahina para sa bagong simula. Kahit masakit, mahalaga ang pag-unlad at pagpapatuloy. Huwag maging hadlang sa sarili na makahanap ng mas magandang bukas. Bagamat ang pag-ibig ay maaaring sumiklab at mawala, sa bawat pagtatapos ay may bagong simula na naghihintay. Kaya’t sa pag-ibig na hindi kayang ibalik, hayaan nating magbukas ang pinto ng posibilidad at maglaan ng espasyo para sa bagong pag-asa. Ang pag-ibig ay isang paglalakbay at sa bawat hakbang, mas natututunan natin ang halaga ng pag-asa, pagtanggap at pag-unlad.
-August 27, 2024