Minsan ba napaisip ka kung bakit hindi na lang ikaw ang pinili niya simula pa nung una? Hanggang ngayon nararamdaman mo pa rin yung panghihinayang at paghangad ng ‘sana’? Ito ang para sayo.

Kahit anong palasyo, itatayo ko, piliin mo lang ako.

Apat na salita na sobrang daling mawala na parang bulang naglaho bigla

Ilan taon naghintay sa taong minahal at itinuring na Prinsesa

Naging alipin at proteksyon sa lahat ng bagay na alam niyang ikakapahamak ng Prinsesa

Sana ako nalang ang piliin mo kesa sa taong binalewala ka na parang abo

Balikan natin ang nakaraan mo na kung saan ang saya niyong dalawang pagmasdan

Mga ngiting di maipinta sa tuwing kasama mo siya sa mga alalang pinapangarap ng iba

Ako bilang isang kaibigan mo magbibigay payo na wag magmahal ng sobra kasi sa huli ikaw ang nasasaktan ng sobra

Lumipas ang panahon at naging malabo na kayo mga oras na dapat masaya kayo ay nagiging marahas at di nagkakaunawaan ang isat Isa

Nalulungkot ako sayoo kaibigan kasi ayaw kong makita sa mga mata mo

Yung Sakit na nararamdaman mo sa Tuwing nag aaway kayo

Pero andito lang handang umagapay sa lahat ng problema mo

Na pwedeng maging panyo para punasan

Ang luha mo na pwedeng maging unan

Pader na pwedeng sandalan at ipahinga ang Sarili sa Taong di ka kayang ipagmalaki

Sana ako nalang,

Sana ako nalang nasa sitwasyon mo kaibigan Para lahat ng Sakit ay di mo maramdaman

Sana ako nalang Yung naging KA-IBIGAN mo 

Para maipadama ko sayoo

Ang pagmamahal ko

Sana ako nalang Yung Taong andyan

At magbibigay kulay at ngiti sa mundo mo

Sana ako nalang Yung prinsipe mo para balang araw yung tayo ay maging Hari at reyna sa kahiraang may masasayang alala at Pangarap.

Sana ako na lang ang mahalin mo

Dadalhin kita sa palasyo ng pagmamahal ko

Piliin mo lang ako, prinsesa ko.

Pumili ka ng lalaking kaya kang ipaglaban at iparamdam sayo ang kaharian. Hindi ang mga lalaking ibabasura ka lang at halos itapon ka sa basurahan. For more blogs, visit malungkot.com! Enjoy and feel my pain 🙂 Happy reading!