Minsan ba napaisip ka na kung bakit hindi ka pinili? Ito ang para sayo.

Sa dami-dami ng taong tulad ko
Handa kang sambutin
Bakit siya pa ang pinili mong mahalin?

Bakit siya pa

Kung pwede namang ako

Higit na mas mahal kita

Pero hindi mo makita

Laging siya ang nasa mata mo

Bukambibig kada minuto

Sinusulyapan segu-sugundo

Hindi mo ko mapaglaanan

Masuklian man lang ang nararamdaman

Hindi ko alam kung manhid ka

O wala ka lang pakialam

Kahit ako itong nagmamahal

Siya pa rin ang pinaglalaanan mo

Ng oras at atensyon na kahit kailan

Sa akin hindi mo naibigay

Pero anong ginagawa niya?

Binabasura ka

Iniiwasan at ayaw makita

Paano niya yun nagagawa

Sa taong sobra kong sinisinta

Pero hindi kita maintindihan

Bakit pilit kang naghahabol

Sa taong hindi ka gusto?

Sabagay, ganoon din ako sa’yo

Kaya ang tanong ko

Bakit hindi ka na lang tumigil

Sa kakahabol sa kanya

Dahan-dahan kang tumigil

Saka ako lingunin

Bakit hindi ka na lang sa akin tumakbo?

Pangako, sasalubong ako sayo

Pero alam kong di mo gagawin

Tulad ng tanong na alam ko ang sagot

Pero ayaw kong aminin

Hindi ko matanggap ang dahilan

Bakit hindi ako?

Dahil hindi ako ang mahal mo

Pero sana sagutin mo ito

Sa dami-dami ng taong tulad ko

Handa kang sambutin

Bakit siya pa ang pinili mong mahalin?

Ang sarap umibig sa taong mahal ka rin. Pag natagpuan mo na siya, huwag mo nang pakawalan pa. For more blogs, visit malungkot.com! Enjoy and feel my pain 🙂 Happy reading.