By: Yukimi Dela Vega
Sana may mga araw sa buhay natin na hindi na natin kailangan isipin kung sasaya ba tayo o hindi, bakit nga ba may mga pagkakataon na pinipili natin maging masaya pero may mga taong pilit tayong pinapahirapan? Sana may mga taong hayaan na lang tayo sumaya. Deserve din naman natin siguro maging malaya sa mga damdamin hindi ba?
Spoken Poetry:
Sana dumating yung araw na ngingiti din ako ng hindi nasasaktan,
Yung bang hindi inaalala malulungkot ako sa sunod na mga kabanata,
Na hindi ko kailangan isipin, ‘Ang saya-saya ko kanina, pero bakit malungkot na naman ako?’
Kelan kaya ako tuluyang makakalaya sa mga emosyong bumibihag sakin.
Sana, sana wala na, sana wala na… ang alin?
Emosyon ko? Nararamdaman mo? O nararamdaman ko?
O sana hindi na lang kita nakilala? Oo tungkol lang naman ito sa iyo.
Sayo na walang ginawa kundi paglaruan ang nararamdaman ko.
Ikaw na pinili ko, ngunit ikaw na mas pinili mauwi sa iba.
Kahit na ako at palaging ako ang nasa tabi mo pag kailangan mo.
Dapat bang hilingin ko na naman na ‘Sana ako yung pinili mo.’
At sabay hihilingin ko na ‘Sana hindi ikaw ang aking pinili.’
Bakit? Dahil alam ko naman na kahit hilingin ko ako pinili mo, hindi pa rin ako ang laman ng puso mo, at tanging kahilingan ko lang ang nagdikta nito.
______________________________________________________________________________
Salamat sa pagbabasa ng ‘Sana, sana wala na’, check ninyo din ang iba pa naming blog dito sa Malungkot.com. Kung mga katanungan kayo maari ninyong i-comment sa baba. Maligayang Pagbabasa!