Tagalog Sad Quotes Love hurts: Pagod na ako, Suko na ako, Kaya ayoko na
Tagalog Sad Quotes Love hurts: A very timely Tagalog Sad Love Quotes especially for your friends, special someone and loved ones, Check out this collection of Tagalog Sad Love Quotes on the web. If you have your own favorite Tagalog Sad Love Quotes we would love to hear it, simply add a comment below or just visit our FB page. Hope you’ll like it!
Napakaisksing linya pero napakaraming pwedeng maging kahulugan, maybe because marami na syang pinagdaanan, iniwan o di kaya ay sumubok pero walang kinahinatnan. “Pagod na ako, ayoko na.” Sinubukan ko na ang lahat pero wala pa rin “Pagod na ako, ayoko na.” Nasasaktan na ako ng sobra. “Pagod na ako, ayoko na.”
“Kahit pa sinong pinakamasayang tao sa mundo ay nakararamdam din ng kalungkutan.”
Sabi nga nila, once na ang maingay tumahimik meaning na nalulungkot yan, napapagod o nasasaktan. But sana naisip natin na they deserve someone who will make them smile, hindi lang dapat sila yung palaging magpapasaya satin dapat give and take. Treat them as they treated you. And Love them as they Loved you. Para walang nakakaramdam ng Pagod, sakit at sama ng loob!
“I like you pero wala kang pake.”
Sometimes, nakakapagod rin masaktan ng paulit-ulit, yung kahit na ibigay mo still wala pa rin syang pakialam sayo.
“Ikaw at Ikaw pa rin.”
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nag-iisa ako ay ikaw ang naiisip ko. Iniisip na sana pwede pa, na sana kinaya ko at sana di agad ako napagod. Na sana… hanggang ngayon, may TAYO pa rin.
“Sadness is not permanent.”
Yeah. They often say, pero bakit parang nasa katawan ko na si kalungkutan, i feel alone, pakiramdam ko walang may pake sakin na parang ako lang yung nakapagpapasaya sa sarili ko na minsan ay hindi pa nga… nakakapagod. So, Hey you! will you please stay for a while and make me smile?
“Hindi masamang sumuko lalo na kung alam nating wala ng rason para lumaban.”
Napakahirap sa pakiramdam na ginawa na natin ang lahat ngunit at the end wala pa rin. Yung mga bagay na pinanghahawakan mo noon ay unti-unti ng nawawala. Yung mga reasons at motivations mo para magpatuloy ay nawala nalang na parang bula. Napakasakit. Napakahirap.
“Nakakapagod na sa bawat pag-ikot ng orasan ay laging ikaw ang nasa isipan ko.”
Hindi ako mapalagay, hindi ko maiwasang hindi ka isipin sa tuwing nag-iisa at nalulungkot ako. Ikaw na bumago ng buhay ko. Ikaw na naging dahilan para magpatuloy ako. At Ikaw na naging rason para mas maging malungkot ako.
“Ang pagpatak ng ulan na sumasabay saking nararamdaman.”
Sa bawat pagpatak ng ulan ay pagpatak ng luhang ikaw ang dahilan. At di ko akalaing sa pagtulo nito ay maaalala ko kung paanong ako ay bumitaw, sumuko at di ka man lang ipinaglaban.