Lahat ng seryoso, lahat sila iniiwan.
Masarap ang magmahal pero sa panahon ngayon ay nakakatakot na talaga magseryoso. Dahil lahat ng sineryoso naten ay iniiwan tayo. Oo totoo lahat ng mahal at siniseryoso naten ay iiwan din tayo. Sa una lang lahat yan masaya, sa una lang consistent, sa una mo lang din mararamdaman na mahal ka niya. Pero kapag tumagal na kayo doon na maguumpoisa ang sakit ng ulo niyo, sa una lang talaga masaya ang lahat. Sasakit na ang ulo niyo sa kakaisip kung may iba naba siya, dahil madalas hindi na sila magpaparamdam, hindi na sila makikipagusap ng maayos sayo, wala na silang oras sayo, pero sigurado ako na marami silang oras sa ibang bagay. Hindi na rin sila magupdate kung ano na ba ang ginagawa nila, syempre mag ooverthink na kayo, at kapag nagoverthink na kayo ay doon kana maguumpisang magalit at palagi na kayong magaaway kahit na sa maliliit na bagay.
Kapag nagaaway na kayo madalas ay doon na kayo magkakasakitan ng mga damdamin, may masasabi kang hindi maganda at syempre hindi magpapatalo yung isa, sasagot din yun malamang, doon na kayo magkakabatuhan ng masasakit na salita, magsusumbatan, magbibilangan ng binigay, magsisisihan at sa huli ikaw pang tama ang magsosorry kasi nga mahal mo siya, at yung isa naman ay gustong gusto ang mga nangyayare dahil naghihitay nalang siya ng pagkakataon para makipaghiwalay sayo dahil hindi kana niya mahal. Sa una lang talaga masaya ang lahat, kaya naman masasabi ko talaga na ang relasyon ay parang bagong biling cellphone, sa una ay iingatan ngunit kapag tumagal ibagsak bagsak nalang at kapag ito ay nasira na ay kailangan nang palitan ng bago.