Dapat ako lang!
Lahat naman ata tayo gusto na, Tayo lang at wala ng iba. Diba? kasi ang sarap sa pakiramdam na kontento siya sayo at hindi na maghahanap ng iba. Kaso hindi nangyari yun. Napapaisip ako na bakit nga ba nila nagagawa yun? Mahal ka nga ba nya? kasi kung mahal ka nya dapat ikaw lang. Yan ang iniisip ko noong araw na yun, mahal nga ba ako nito? or kaylangan nya lang ako.
Sobrang sakit isipin na hindi lang pala ako, May iba ka din palang gusto Ibig sabihin lang nyan may mali pa sakin or kulang pa ko sayo. Ang sakit isipin na may mga taong di makontento.
Kung ako lang, ako lang dapat! kaso hindi eh naghanap ka pa rin ng iba, ang sakit isipin at sobrang sakit sa pakiramdam na hindi lang ako, Pero dapat kung tanggapin na hindi lang ako. Ang dapat lang nating gawin ay ang tanggapin at palayahin ang taong nagawa kang lokohin at saktan kasi kung hindi mo yun gagawin mas lalo ka lang masasaktan.
Hindi mo dapat ipilit sa isang tao ang sarili mo, at di mo dapat pilitin ang sarili mo na tanggapin ang maling nagawa nya sayo. Ang dapat ko lang gawin ay unahin ko muna sarili ko, kasi kung patuloy ko lang syang mamahalin masasayang lang ang pag mamahal na binibigay ko sa kanya. Hindi natin dapat ipilit ang sarli natin sa taong di makontento sa kung anong meron sa kanila, At yun ang lagi nating tatandaan para di tayo laging nasasaktan.